Wednesday, March 5, 2014

Isang kahig,isang tuka

Si Filemon

Si Filemon, si Filemon, nangisda sa karagatan
Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan
Pinagbili, pinagbili sa isang maliit na palengke
Kumita ng kaunting pera, kumita ng kaunting pera,
Para lang sa kaniyang alak na tuba.


Ang maikling tula na “Si Filemon“ ay aking sinuri gamit ang teoryang Realismo na kung saan binibigyan-diin ang katotohanan at may layunin na ilahad ang tunay na buhay na pinapaksa at lagay ng lipunan.

Mababasa at madaling maunawaan ang ibig ipahiwatig ng tula na ito. Ang katotohan sa tunay na buhay ng ilang mahihirap na tao na naghihirap ng ilang sa oras sa pagtatrabaho ngunit wala pang isang oras kung maghalo ang perang kanilang pinaghirapan. Ngunit sa tulang ito ay hindi sa maganda napupunta ang bunga ng kanyang pinaghirapan maaring ito ay pinagsusugal o agad-agad din pinagbabayad sa mga utang na ginamit upang makatawid sa pang araw-araw ng gastusin. Alam nating lahat na hindi na ito bago sa ngayon, sa aking napapansin ay kung sino pa iyong hirap at hikahos sa buhay ay sila pa ang mga may lakas na loob upang mag-inom,magsugal at magwaldas ng pera ng ganoon kadali. At tila ba hindi na nila iniisip kung paano naman ang kanilang kinabukasan basta ang kanilang pinapahalagahan ay kung anong meron at kung ano ang natatamasa nila sa kasalukuyan.


SOURCES:

http://www.kabisig.com/philippines/folk-songs-si-filemon-tagalog-version_28.html

http://melodymular.wordpress.com/2011/06/12/mga-teoryang-pampanitikan-at-mga-uri-nito/