Wednesday, March 5, 2014

Isang kahig,isang tuka

Si Filemon

Si Filemon, si Filemon, nangisda sa karagatan
Nakahuli, nakahuli ng isdang tambasakan
Pinagbili, pinagbili sa isang maliit na palengke
Kumita ng kaunting pera, kumita ng kaunting pera,
Para lang sa kaniyang alak na tuba.


Ang maikling tula na “Si Filemon“ ay aking sinuri gamit ang teoryang Realismo na kung saan binibigyan-diin ang katotohanan at may layunin na ilahad ang tunay na buhay na pinapaksa at lagay ng lipunan.

Mababasa at madaling maunawaan ang ibig ipahiwatig ng tula na ito. Ang katotohan sa tunay na buhay ng ilang mahihirap na tao na naghihirap ng ilang sa oras sa pagtatrabaho ngunit wala pang isang oras kung maghalo ang perang kanilang pinaghirapan. Ngunit sa tulang ito ay hindi sa maganda napupunta ang bunga ng kanyang pinaghirapan maaring ito ay pinagsusugal o agad-agad din pinagbabayad sa mga utang na ginamit upang makatawid sa pang araw-araw ng gastusin. Alam nating lahat na hindi na ito bago sa ngayon, sa aking napapansin ay kung sino pa iyong hirap at hikahos sa buhay ay sila pa ang mga may lakas na loob upang mag-inom,magsugal at magwaldas ng pera ng ganoon kadali. At tila ba hindi na nila iniisip kung paano naman ang kanilang kinabukasan basta ang kanilang pinapahalagahan ay kung anong meron at kung ano ang natatamasa nila sa kasalukuyan.


SOURCES:

http://www.kabisig.com/philippines/folk-songs-si-filemon-tagalog-version_28.html

http://melodymular.wordpress.com/2011/06/12/mga-teoryang-pampanitikan-at-mga-uri-nito/



Wednesday, February 19, 2014

Perstym .

Intramuros,
Intramuros,
Intramuros,
Intramuroooossss!  :O

Shit. Perstym ko pumunta doon ! Haha. I'm so excited!


 Photo by Jossana Zosimo

Halata bang excited kami? Paano ba naman ngayon na lang ulit kami makakalabas ng sama-sama dahil sa dami ng mga requirement.

Dahil nga ngayon pa lang ako makakapunta hindi ko alam kung paano makakapunta doon.So go lang ako kung saan sila. J


  Photo by Jossana Zosimo J


Please excuse Kimson and Alejandro .


Konting kembot then BOOM here we are!!

Then, Ito ang bumungad saken pagdating namen.



                                                         Manila Cathedral


Uh-ohw 😱
Uhmm. Spell disappointed
A-K-O -_____-

Sorry pero iba lang talaga nasa isip ko.
Kaya ang hirap umasa, ang sakit pag nabigo ka. J

Pero, pero tuloy pa rin ang agos ng buhay. 
Minsan lang ito kaya naman ituloy at wag malungkot.
Isa pa meron naman akong mga kaplastikan na mga baliw kasama kaya alam ko masaya to! Tara!




Oooohh. Lagi kaming nagkikita sa school pero bakit parang namiss ko sila? :)







 Lakad.Lakad.Lakad.
Syempre ano pa ba ang unang pumapasok sa isip niyo pag unang beses pa lang kayo sa lugar edi kumaen.:) Sinimulan na namen maghanap ng makakainan dahil hindi pa din kami nanananghalian.

                                                     Photo by Jossana Zosimo


Sorry for the face! Epekto po ng gutom halos paikot-ikot na kami dito pero wala pa din kaming makita na makakainan sa totoo lang meron pala kaso kundi masyadong mahal, mukhang hindi masarap so hanap ulit ng iba.

Then finally ! *.*



Sosyal ng name, sana yun presyo hindi.



Ayos to! Budget friendly. Haha. Okay order na.

Kaya pala mura kasi matagal ka mag iintay. Gutom na ko.


3hours later ……..

 Teeeeneeeennn !! Hmmm. Amoy masarap. 
  Pwede na rin  iyun serving.

                                                           Beef springroll

Yuummm ! 
Masarap talaga promise. Sabi na wala sa itsura yan.
Mas masarap talaga pag matagal kang nagintay. :)
Sorry pero iyon order ko lang naman ang pinakamasarap sa mga binili ng mga kasama ko. :P

Burp.


 Dahil may energy na ulit.




 Ayan oh. Kung anu-ano naman trip ang pumasok sa mga isip nila pati ba naman paglabas ng pinto kailangan scripted ?! Well that’s my kaplastikans.

Ikot-ikot lang ulit kami then hinto tas picture like this .








Pero parang may kulang. Gusto namin ng something sweet !


Kaya ito naaaaa !!





        Cioccolata's English Toffee Iced Coffee and The Kitchen Basic's White Chocolate Éclair


Libot ulit pagkatapos ..

                                                            Manila Bulletin

Dahil solve na talga kami, sa totoo lang hirap na nga kami maglakad sa bigat ng tiyan namen pero kaya pa naman kasi magaan na ang mga bulsa namen.





                                                Photos by Kimson Albert Valdez

Dito ko talaga nalaman na baliw at masayang kasama talaga tong mga kaplastikan ko. At halos aabotin na kami ng paglubog ng araw.



I’m with my freaking kaplastikans so tuloy lang pag libot kahit masakit na sa paa.
At gabi na nga at maaga pa kami bukas pero ….





                                                             Photos by Kimson Albert Valdez


Uhm? May sinabi ba kong maaga dapat kami bukas at bawal ang malate ? J


Photo by Jossana Zosimo

Syempre sa huli bago pa man kami tuluyan kagabin lahat dahil sa hangin ay natapos na ang date namen . Haha . Biro lang pero bagay ba kami?
Sabihin niyo OO !! J


All in all. Hindi naman ako nadismaya. Dapat mo lang talaga matutunan pahalagahan ang mga bagay sa paligid mo :P xoxo



Wednesday, January 22, 2014

May liwanag ang buhay …………. NILA

GASTUSIN

PANG BAON ARAW-ARAW: Php. 300.00
               PANG-ULAM AT BIGAS ARAW-ARAW: Php. 200.00
                    GASUL: Php. 899.00
                    TUBIG:Php. 500.00
                                              KURYENTE: Php.1, 500.00

Ilan lang yan sa mga bayarin na pinoproblema ng ating mga magulang na sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay iniisip nila kung saan nila kukunin lalo na’t sa panahon ngayon halos nagsisitaasan ang mga bilihin.  Kaya isipin mo na lang ang pagtaas ng  singil ng Meralco sa konsumo kuryente na araw-araw din natin ginagamit. Kung mahigit isang libo na ang binabayaran mo sa ngayon sa kuryente ay dodoble o hihigit pa ito.

Meralco o Manila Electric Company ay ang nagdadala ng kuryente sa ating mga bahay, opisina o kahit saan man. Binibili ng Meralco ang kuryente na binebenta sa atin sa mga electricity-producer companies.Kung kaya’t ang Meralco ang may responsibilidad sa atin  na panatilihin na maayos ang pagdadala ng suplay ng kuryente.

Ngunit ang kataka-taka naman sa lahat ng  araw ay nagsabay-sabay pa sila sa pagsara noong Nobyembre ng nakaraang taon. Ano para mas pagkakitaan pa ang mga tao? Kaya ito ang sinabing dahilan ng Meralco na kung bakit kailangan nilang magdagdag singil sa mga konsyumer na kung tutuusin ay barya lang naman ito sa bilyung-bilyon kinita  ng Meralco sa mga nakaraang taon.Hindi nila ito pinalagpas at sasamantalahin pa nila ang pagkakataon para mas makahuthot pa ng pera sa mga tao. Pilit pang pinapaalis ng Meralco ang nakasampang TRO sa kanilang pagtaas singil dahil kating-kati na sila kumita ng limpak-limpak na salapi at nanakot pa sila na magkakaroon ng rotating blackout kung hindi ibaba ang TRO sa kanila. Nakakainis. Ang sarap nilang kuryentihin isa-isa. Hindi nila isinaalang-alang ang sitwasyon ng mga tao, mga tao na nagpapakahirap araw-araw para kumita tapos ano mapupunta lang lahat ng sweldo sa pagbayad ng kuryente at ipangungutang na lang ang iba pang mga pangaraw-araw na pangangailangan.

May liwanag ang buhay, oo sa kanila ang buhay nila ay talaga naman napakaliwanag. Maging pagbenta nga ng mga appliances na puro de-kuryente ay talaga naman ginawa na nila. Kunwari pa na tipid ang mga iyon sa kuryente pero gusto lang naman talaga nilang mas lumaki pa ang kunsumo sa kuryente ng mga tao. Hay naku.Grabe na itu.

Masakit man isipin ngunit alam kasi nila na sa huli sila pa rin ang mananalo, alam nila na kahit magtaas sila ay tatangkilikin pa din ito ng mga tao dahil wala naman ibang magagawa ang mga tao.Magtitiis na lamang sila na magbayad ng mahal kesa naman mabuhay sa dilim.


Monday, January 6, 2014

La la di da di We like to party ! :)
We're just having fun !



Friday, December 27, 2013

HALAGA


Gusto ko ng bag na nakita ko sa Mall.
Gusto ko ng sapatos na katulad ng sa kaklase ko.
Gusto ko ng bagong labas ng iPhone ngayon.
Gusto ko kumain sa pang-sosyal na restaurant.
Gusto ko ng magarang kotse.
                           

ANO PA? ANO PA BANG GUSTO MO? ANG DAMI MO NAMAN GUSTO, PURO KAGUSTUHAN! PAANO NAMAN ANG PANGANGAILANGAN MO?

Hindi ako galit. Nagtatanong lang, lagi ko din kasing tanong iyan sa aking sarili.Hindi na kasi yata talaga maiaalis sa tao ang ganyang ugali ( o sakin lang ? ). Kung tawagin ng ilan ay luho, pero para sa ilan ang mga bagay na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sila nagsisikap,gusto kasi natin makuha ang mga kagustuhang ito. Ika nga ng matatanda, Pag may tiyaga, may nilaga. Mas masarap maranasan ang kaginhawaan kung ito’y pinaghirapan.

Isang nilalang ng daigdig ang nagsabi na ang tao ay kailangan ng inspirasyon para makamit ang isang bagay. Siya si Abraham Maslow, na gumawa ng “Hierarchy of needs”

Ang limang antas ng pangangailangan ay nahahati sa karaniwang pangangailangan na kinabibilangan ng tirahan, kaligtasan at pagmamahal. At ang tinatawag na pangangailangan sa pagtuklas ng sarili. (Maslow, 1943, 1954)



                                    http://www.simplypsychology.org/maslow.html
Kailangan ng isang tao na makamit muna ang  mababang antas bago marating ang susunod na antas. Sa oras na makamit ang mga mababang antas ay maari ka ng makatungtong sa pinkamataas na antas na tinatawag na self-actualization. (Maslow, 1943, 1954)

Subalit paano naman ang mga tao na kung iyung mga simpleng pangangailangan pa lang ay hirap na nila makuha katulad na lang ng pagkain, tubig at matitirahan, pero meron naman silang  pamilya at kaibigan? Hadlang ba ito para makarating sa pinakamataas na antas at matawag na self-actualized. Paano din naman yun mga taong sa una pa lang ay nakakaranasan na ng self-fulfillment? Kailangan ba nila huwag ipakita ito dahil hindi pa nila napupunan ang mga naunang antas ang pangangailangan?

Lahat ng tayo may kakayahan na matawag na self-actualized , kahit hindi mo man makuha ang sinasabing ni Maslow na antas ng pangaingailangan basta maipakita mo sa iba at lalo na sa sarili mo na buo ka, kuntento at masaya sa kung anong mayroon ka.

Hindi pantay-pantay ang antas ng tao sa mundo, hindi lahat ng mayroon ka ay tinatamasa  din ng iba. Pero ito ay hindi hadlang para sumuko, tingnan mo ito sa positibong paraan. Gamitin mo ang mga bagay na humahadlang sayo para maging inspirasyon upang mas lubusan mo pang makilala ang iyong sarili at maging buo ang iyong pagkatao. Huwag kang papayag na kontrolin ng iba ang buhay mo dahil buhay mo ito.
 
Kasabay nito, turuan ang sarili na pahalagahan ang mga bagay na mayroon ka bago mo pa pahalagahan ang mga bagay na wala na sa iyo. 



SOURCES:
Maslow, A. (1954). Motivation and personality. New York, NY: Harper.




Tuesday, December 17, 2013

Ikaw para saan ka bumabangon ?



Gusto ko ng bag na nakita ko sa Mall.
Gusto ko ng sapatos na katulad ng sa kaklase ko.
Gusto ko ng bagong labas ng iPhone ngayon.
Gusto ko kumain sa pang-sosyal na restaurant.
Gusto ko ng magarang kotse.


ANO PA? ANO PA BANG GUSTO MO? ANG DAMI MO NAMAN GUSTO, PURO KAGUSTUHAN! PAANO NAMAN ANG PANGANGAILANGAN MO?

Hindi ako galit. Nagtatanong lang, lagi ko din kasing tanong iyan sa aking sarili.Hindi na kasi yata talaga maiaalis sa tao ang ganyang ugali ( o sakin lang ? ). Kung tawagin ng ilan ay LUHO, pero para sa ilan ang mga bagay na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo nagsisikap,gusto kasi natin makuha ang mga kagustuhang ito. Ika nga ng matatanda, Pag may tiyaga, may nilaga. Mas masarap maranasan ang kaginhawaan kung ito’y pinaghirapan.

Isang nilalang ng earth ang nagsabi na ang tao ay kailangan ng inspirasyon para makamit ang isang bagay. Siya si Abraham Maslow , na gumawa ng “Hierarchy of needs”

“This five stage model can be divided into basic (or deficiency) needs (e.g. physiological, safety, love, and esteem) and growth needs (self-actualization).
The deficiency or basic needs are said to motivate people when they are unmet. Also, the need to fulfill such needs will become stronger the longer the duration they are denied.’’



Ayon sa teoryang ito, One must satisfy lower level basic needs before progressing on to meet higher level growth needs.   Once these needs have been reasonably satisfied, one may be able to reach the highest level called self-actualization.”
Lahat daw ng tao ay may kakayahan na maranasan ang bawat antas nito at makakamit mula lang ang self-actualization stage kung iyong nakamit ang mga naunang antas. Subalit, paano naman ang mga tao na kung iyung mga simpleng pangangailangan pa lang ay hirap na nila makuha katulad na lang ng pagkain, tubig at matitirahan  pero meron naman silang  pamilya at kaibigan ? Makakamit ba nila ang self-atualization stage?  Masasabi mo ba na hindi nila sila pwede tawagin na self-actualized?  Paano din naman yun mga taong sa una pa lang ay nakakaranasan na ng self-fulfillment? Kailangan ba nila huwag ipakita ito dahil hindi pa nila napupunan ang mga naunang antas ang pangangailangan ?

Lahat ng tayo may kakayahan na matawag na self-actualized , kahit hindi mo man makuha ang sinasabing ni Maslow na antas ng pangaingailangan basta maipakita mo na  kaya mo, makakarating ka sa tuktok kahit anong mangyari .

Hindi pantay-pantay ang antas ng tao sa mundo, hindi lahat ng meron ka ay tinatamasa  din ng iba. Pero ito ay hindi hadlang para sumuko, tingnan mo ito sa positibong paraan. Gamitin mo ang mga bagay na humahadlang sayo para maging inspirasyon sa pagtupad ng mga pangarap mo. Malay mo pag bangon mo meron ka na ng mga bagay na KAILANGAN at GUSTO mo . Hindi din pare-parehas ang kakayahan at ugali ng isang tao. At kahit kailan hindi mo makokontrol ang buhay ng tao dahil nga BUHAY NIYA ITO . 

SOURCES:
http://www.simplypsychology.org/maslow.html
Maslow's hierarchy of human needs. (From Maslow, A. (1970}.
Maslow, Abraham Harold. Motivation and Personality. Harper. 1954

Saturday, December 7, 2013

ANG SAKIT SAKIT !

5:15am
Ouch . Ouch ulit . OOUCCCCHHH !! 

Wait lang, di to normal. Hey tummy anong problema mo ang aga ha ! Sobrang sakit ng tiyan ko. Parang sinusuntok. Alam ko na lagi kong problema tong tummy ko pero at this time ?! Oy ha. Shet ka. Effort pa kong pumikit pikit kunwari kahit sobrang sakit na sobrang antok na antok pa ko pero wala talaga OA niya sa sakit. Naalala ko 5pm na pala ko naglunch kahapon ( lunch pa ba yun ? ) at di na rin ako nag dinner kagabi kaya ito ang karma ko. Nagugutom na ko . Ugh . Nakakaamoy pa ko ng something na niluluto ni Papsy. Pero ayokong tumayo at sabihin sa kanila na masakit ang tummy ko dahil abot-abot na sermon na naman ang makukuha ko. 

So since may homework ako, gagawa na ko. Pasimple kong kinuha yun netbook ni Papsy, yes sa tatay ko po. Ayaw nga niya pagamit samen kahit di naman siya marunong gumamit. HAHAHA . Aypotek may password -___-  Konting kalabit sa kapatid ko tanong ng password .
 S******* daw . K . Thanks !


Teka anong araw ba ngayon ? ....... Saturday na pala. Shems ang daming gagawin. Nakakainis.Sa sobrang dami , yun na ang laging kong naiisip. Excited na nga kong magsaturday next week. Gusto ko na kasing maglagpasan yun week na paparating para kahit paano Christmas break naaaa ! :)
Gusto ko na matapos lahat ng mga dapat matapos. As in. Iniisip ko pwede lang mag fast-forward ng araw baka lagi ko ng hawak ang remote :) Ano kayang pwedeng mangyari ngayon ? Magloload ba ko o hindi ? Lol . Aypotek. Ang sakit talaga ng tummy ko, iniisip ko papagalitan ba ko ni Momsy pag sinabi ko ? Ughhhhhh . Bhala na .
Iniisip ko kung ano bang dapat unahin yun rehash, yun thesis , reviewer sa CETV ( GC ako ) , report sa Rizal o yun sobrang sakit ko na tyan -__________- 


......................................

Mukhang nagwagi ang masakit kong tiyan kaya ito na muna ang uunahin ko. Babalita ko kayo kung buhay pa ko. Dejk. :) Pagdasal niyo na painumin na lang ako ni Momsy ng gamot at wag na ko sermunan . Phuleeeaassee .

P.S. Don't skip meals guise .