GASTUSIN
PANG
BAON ARAW-ARAW: Php. 300.00
PANG-ULAM AT BIGAS ARAW-ARAW:
Php. 200.00
GASUL: Php. 899.00
TUBIG:Php. 500.00
KURYENTE:
Php.1, 500.00
Ilan lang yan sa mga
bayarin na pinoproblema ng ating mga magulang na sa araw-araw na ginawa ng
Diyos ay iniisip nila kung saan nila kukunin lalo na’t sa panahon ngayon halos
nagsisitaasan ang mga bilihin. Kaya isipin
mo na lang ang pagtaas ng singil ng
Meralco sa konsumo kuryente na araw-araw din natin ginagamit. Kung mahigit
isang libo na ang binabayaran mo sa ngayon sa kuryente ay dodoble o hihigit pa
ito.
Meralco o Manila Electric Company ay ang nagdadala ng kuryente sa
ating mga bahay, opisina o kahit saan man. Binibili ng Meralco ang kuryente na
binebenta sa atin sa mga electricity-producer companies.Kung kaya’t ang Meralco
ang may responsibilidad sa atin na
panatilihin na maayos ang pagdadala ng suplay ng kuryente.
Ngunit ang kataka-taka naman sa lahat ng araw ay nagsabay-sabay pa sila sa pagsara
noong Nobyembre ng nakaraang taon. Ano para mas pagkakitaan pa ang mga tao?
Kaya ito ang sinabing dahilan ng Meralco na kung bakit kailangan nilang
magdagdag singil sa mga konsyumer na kung tutuusin ay barya lang naman ito sa
bilyung-bilyon kinita ng Meralco sa mga
nakaraang taon.Hindi nila ito pinalagpas at sasamantalahin pa nila ang
pagkakataon para mas makahuthot pa ng pera sa mga tao. Pilit pang pinapaalis ng Meralco
ang nakasampang TRO sa kanilang pagtaas singil dahil kating-kati na sila kumita
ng limpak-limpak na salapi at nanakot pa sila na magkakaroon ng rotating
blackout kung hindi ibaba ang TRO sa kanila. Nakakainis. Ang sarap nilang
kuryentihin isa-isa. Hindi nila isinaalang-alang ang sitwasyon ng mga tao, mga
tao na nagpapakahirap araw-araw para kumita tapos ano mapupunta lang lahat ng
sweldo sa pagbayad ng kuryente at ipangungutang na lang ang iba pang mga
pangaraw-araw na pangangailangan.
May liwanag ang
buhay, oo sa kanila ang buhay nila ay talaga naman napakaliwanag. Maging
pagbenta nga ng mga appliances na puro de-kuryente ay talaga naman ginawa na
nila. Kunwari pa na tipid ang mga iyon sa kuryente pero gusto lang naman talaga
nilang mas lumaki pa ang kunsumo sa kuryente ng mga tao. Hay naku.Grabe na itu.
Masakit man isipin ngunit alam kasi nila na sa huli
sila pa rin ang mananalo, alam nila na kahit magtaas sila ay tatangkilikin pa
din ito ng mga tao dahil wala naman ibang magagawa ang mga tao.Magtitiis na
lamang sila na magbayad ng mahal kesa naman mabuhay sa dilim.