Wednesday, January 22, 2014

May liwanag ang buhay …………. NILA

GASTUSIN

PANG BAON ARAW-ARAW: Php. 300.00
               PANG-ULAM AT BIGAS ARAW-ARAW: Php. 200.00
                    GASUL: Php. 899.00
                    TUBIG:Php. 500.00
                                              KURYENTE: Php.1, 500.00

Ilan lang yan sa mga bayarin na pinoproblema ng ating mga magulang na sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay iniisip nila kung saan nila kukunin lalo na’t sa panahon ngayon halos nagsisitaasan ang mga bilihin.  Kaya isipin mo na lang ang pagtaas ng  singil ng Meralco sa konsumo kuryente na araw-araw din natin ginagamit. Kung mahigit isang libo na ang binabayaran mo sa ngayon sa kuryente ay dodoble o hihigit pa ito.

Meralco o Manila Electric Company ay ang nagdadala ng kuryente sa ating mga bahay, opisina o kahit saan man. Binibili ng Meralco ang kuryente na binebenta sa atin sa mga electricity-producer companies.Kung kaya’t ang Meralco ang may responsibilidad sa atin  na panatilihin na maayos ang pagdadala ng suplay ng kuryente.

Ngunit ang kataka-taka naman sa lahat ng  araw ay nagsabay-sabay pa sila sa pagsara noong Nobyembre ng nakaraang taon. Ano para mas pagkakitaan pa ang mga tao? Kaya ito ang sinabing dahilan ng Meralco na kung bakit kailangan nilang magdagdag singil sa mga konsyumer na kung tutuusin ay barya lang naman ito sa bilyung-bilyon kinita  ng Meralco sa mga nakaraang taon.Hindi nila ito pinalagpas at sasamantalahin pa nila ang pagkakataon para mas makahuthot pa ng pera sa mga tao. Pilit pang pinapaalis ng Meralco ang nakasampang TRO sa kanilang pagtaas singil dahil kating-kati na sila kumita ng limpak-limpak na salapi at nanakot pa sila na magkakaroon ng rotating blackout kung hindi ibaba ang TRO sa kanila. Nakakainis. Ang sarap nilang kuryentihin isa-isa. Hindi nila isinaalang-alang ang sitwasyon ng mga tao, mga tao na nagpapakahirap araw-araw para kumita tapos ano mapupunta lang lahat ng sweldo sa pagbayad ng kuryente at ipangungutang na lang ang iba pang mga pangaraw-araw na pangangailangan.

May liwanag ang buhay, oo sa kanila ang buhay nila ay talaga naman napakaliwanag. Maging pagbenta nga ng mga appliances na puro de-kuryente ay talaga naman ginawa na nila. Kunwari pa na tipid ang mga iyon sa kuryente pero gusto lang naman talaga nilang mas lumaki pa ang kunsumo sa kuryente ng mga tao. Hay naku.Grabe na itu.

Masakit man isipin ngunit alam kasi nila na sa huli sila pa rin ang mananalo, alam nila na kahit magtaas sila ay tatangkilikin pa din ito ng mga tao dahil wala naman ibang magagawa ang mga tao.Magtitiis na lamang sila na magbayad ng mahal kesa naman mabuhay sa dilim.


No comments:

Post a Comment