Friday, December 27, 2013

HALAGA


Gusto ko ng bag na nakita ko sa Mall.
Gusto ko ng sapatos na katulad ng sa kaklase ko.
Gusto ko ng bagong labas ng iPhone ngayon.
Gusto ko kumain sa pang-sosyal na restaurant.
Gusto ko ng magarang kotse.
                           

ANO PA? ANO PA BANG GUSTO MO? ANG DAMI MO NAMAN GUSTO, PURO KAGUSTUHAN! PAANO NAMAN ANG PANGANGAILANGAN MO?

Hindi ako galit. Nagtatanong lang, lagi ko din kasing tanong iyan sa aking sarili.Hindi na kasi yata talaga maiaalis sa tao ang ganyang ugali ( o sakin lang ? ). Kung tawagin ng ilan ay luho, pero para sa ilan ang mga bagay na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit sila nagsisikap,gusto kasi natin makuha ang mga kagustuhang ito. Ika nga ng matatanda, Pag may tiyaga, may nilaga. Mas masarap maranasan ang kaginhawaan kung ito’y pinaghirapan.

Isang nilalang ng daigdig ang nagsabi na ang tao ay kailangan ng inspirasyon para makamit ang isang bagay. Siya si Abraham Maslow, na gumawa ng “Hierarchy of needs”

Ang limang antas ng pangangailangan ay nahahati sa karaniwang pangangailangan na kinabibilangan ng tirahan, kaligtasan at pagmamahal. At ang tinatawag na pangangailangan sa pagtuklas ng sarili. (Maslow, 1943, 1954)



                                    http://www.simplypsychology.org/maslow.html
Kailangan ng isang tao na makamit muna ang  mababang antas bago marating ang susunod na antas. Sa oras na makamit ang mga mababang antas ay maari ka ng makatungtong sa pinkamataas na antas na tinatawag na self-actualization. (Maslow, 1943, 1954)

Subalit paano naman ang mga tao na kung iyung mga simpleng pangangailangan pa lang ay hirap na nila makuha katulad na lang ng pagkain, tubig at matitirahan, pero meron naman silang  pamilya at kaibigan? Hadlang ba ito para makarating sa pinakamataas na antas at matawag na self-actualized. Paano din naman yun mga taong sa una pa lang ay nakakaranasan na ng self-fulfillment? Kailangan ba nila huwag ipakita ito dahil hindi pa nila napupunan ang mga naunang antas ang pangangailangan?

Lahat ng tayo may kakayahan na matawag na self-actualized , kahit hindi mo man makuha ang sinasabing ni Maslow na antas ng pangaingailangan basta maipakita mo sa iba at lalo na sa sarili mo na buo ka, kuntento at masaya sa kung anong mayroon ka.

Hindi pantay-pantay ang antas ng tao sa mundo, hindi lahat ng mayroon ka ay tinatamasa  din ng iba. Pero ito ay hindi hadlang para sumuko, tingnan mo ito sa positibong paraan. Gamitin mo ang mga bagay na humahadlang sayo para maging inspirasyon upang mas lubusan mo pang makilala ang iyong sarili at maging buo ang iyong pagkatao. Huwag kang papayag na kontrolin ng iba ang buhay mo dahil buhay mo ito.
 
Kasabay nito, turuan ang sarili na pahalagahan ang mga bagay na mayroon ka bago mo pa pahalagahan ang mga bagay na wala na sa iyo. 



SOURCES:
Maslow, A. (1954). Motivation and personality. New York, NY: Harper.




No comments:

Post a Comment