Tuesday, December 17, 2013

Ikaw para saan ka bumabangon ?



Gusto ko ng bag na nakita ko sa Mall.
Gusto ko ng sapatos na katulad ng sa kaklase ko.
Gusto ko ng bagong labas ng iPhone ngayon.
Gusto ko kumain sa pang-sosyal na restaurant.
Gusto ko ng magarang kotse.


ANO PA? ANO PA BANG GUSTO MO? ANG DAMI MO NAMAN GUSTO, PURO KAGUSTUHAN! PAANO NAMAN ANG PANGANGAILANGAN MO?

Hindi ako galit. Nagtatanong lang, lagi ko din kasing tanong iyan sa aking sarili.Hindi na kasi yata talaga maiaalis sa tao ang ganyang ugali ( o sakin lang ? ). Kung tawagin ng ilan ay LUHO, pero para sa ilan ang mga bagay na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit tayo nagsisikap,gusto kasi natin makuha ang mga kagustuhang ito. Ika nga ng matatanda, Pag may tiyaga, may nilaga. Mas masarap maranasan ang kaginhawaan kung ito’y pinaghirapan.

Isang nilalang ng earth ang nagsabi na ang tao ay kailangan ng inspirasyon para makamit ang isang bagay. Siya si Abraham Maslow , na gumawa ng “Hierarchy of needs”

“This five stage model can be divided into basic (or deficiency) needs (e.g. physiological, safety, love, and esteem) and growth needs (self-actualization).
The deficiency or basic needs are said to motivate people when they are unmet. Also, the need to fulfill such needs will become stronger the longer the duration they are denied.’’



Ayon sa teoryang ito, One must satisfy lower level basic needs before progressing on to meet higher level growth needs.   Once these needs have been reasonably satisfied, one may be able to reach the highest level called self-actualization.”
Lahat daw ng tao ay may kakayahan na maranasan ang bawat antas nito at makakamit mula lang ang self-actualization stage kung iyong nakamit ang mga naunang antas. Subalit, paano naman ang mga tao na kung iyung mga simpleng pangangailangan pa lang ay hirap na nila makuha katulad na lang ng pagkain, tubig at matitirahan  pero meron naman silang  pamilya at kaibigan ? Makakamit ba nila ang self-atualization stage?  Masasabi mo ba na hindi nila sila pwede tawagin na self-actualized?  Paano din naman yun mga taong sa una pa lang ay nakakaranasan na ng self-fulfillment? Kailangan ba nila huwag ipakita ito dahil hindi pa nila napupunan ang mga naunang antas ang pangangailangan ?

Lahat ng tayo may kakayahan na matawag na self-actualized , kahit hindi mo man makuha ang sinasabing ni Maslow na antas ng pangaingailangan basta maipakita mo na  kaya mo, makakarating ka sa tuktok kahit anong mangyari .

Hindi pantay-pantay ang antas ng tao sa mundo, hindi lahat ng meron ka ay tinatamasa  din ng iba. Pero ito ay hindi hadlang para sumuko, tingnan mo ito sa positibong paraan. Gamitin mo ang mga bagay na humahadlang sayo para maging inspirasyon sa pagtupad ng mga pangarap mo. Malay mo pag bangon mo meron ka na ng mga bagay na KAILANGAN at GUSTO mo . Hindi din pare-parehas ang kakayahan at ugali ng isang tao. At kahit kailan hindi mo makokontrol ang buhay ng tao dahil nga BUHAY NIYA ITO . 

SOURCES:
http://www.simplypsychology.org/maslow.html
Maslow's hierarchy of human needs. (From Maslow, A. (1970}.
Maslow, Abraham Harold. Motivation and Personality. Harper. 1954

9 comments:

  1. gusto ko ng bagong labas na iphone!!! hahaha. may mga onting mali lang na words, yung meron-mayroon. mga ganun. haha.

    ReplyDelete
  2. *Pansinin ang ilang maling pagkakalagay ng mga letra (typo error)
    *Nung nabasa ko ung title, akala ko ang masasagot ko ung tanong while reading your post. maaring may mas mainam pang title ang bagay sa laman ng iyong akda :)
    *Maluho ata ko. >.<
    *Mas mainam kung magbibigay ng mga halimbawa o sariling karanasan :)
    *Irevise ung mga english term :)

    best line - kahit kailan hindi mo makokontrol ang buhay ng tao dahil nga BUHAY NIYA ITO .

    ReplyDelete
  3. SEATMATE! Proper usage ng comma at period. Saka siguro may improved title pa para dito. Though, naintindihan ko naman 'yung kabuuan ng theory. Siguro dapat 'yung title ay 'yung kabuuan ng sinulat mo. Parang catchy na "Ano bang kailangan mo?" Mga ganu'n. But then again, I'm suggesting lang naman. :)

    ReplyDelete
  4. 1
    Ano ang point ng lahat naka-capslock?

    2
    Iwasan ang paglilift directly ng quotes.
    Cite properly.

    3
    May mga thoughts na pulit-ulit.
    Kumbaga pag broadcasting, "sayang
    sa airtime".

    4
    'Wag bilingual.

    5
    Naguluhan lang ako sa pinatunguhan
    at gusto mong sabihin. Ang katumbas
    ba ng self-actualization ay pagtupad ng
    pangarap? Hindi 'di ba? Ang ibig sabihin
    niya ay pakiramdam ng pagiging buo -
    at hind lang ito sa bagay na tulad ng
    pangarap nakukuha. Pakilinaw.

    6
    Nonetheless, good job lalo na sa mga unang talata! :)

    ReplyDelete
  5. - proper citation po
    - tama yung sabi nung iba sa mga comment, may mas akma pa siguro na title para dito.
    - saka palinawin pa yung teorya para mas maintindihan.

    Sana makatulong. :)

    ReplyDelete
  6. Proper citation tsaka magstick sa isang language na gagamitin. :) Kung kaya naman isalin sa Filipino ay iyong gawin. :)

    ReplyDelete
  7. Kaya pa tong pigain. Ok naman po yung paglalahad ng mga points pero konting ayus pa. I guess may igaganda pa ito. Magaling po.

    ReplyDelete
  8. use the proper citation :) and yung mga sinabi ni ma'am :)

    ReplyDelete
  9. nakakatawa ung intro. bwahahaha
    maganda sana ung presentation, ndi lang po napanagutan.
    citation po :D
    and paki elaborate po ung stand. :D

    ReplyDelete